EDUKASYON
Ang edukasyon ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao.Kailangan natin ng edukasyon upang tayo ay makapaghanap ng maganda at desenteng trabaho.Dito din nasusubok ang ating mga kakayahan sa lahat ng aspeto, dito din ay matutunan natin ang disiplina sa iba't ibang bagay pati na rin ang paggalang sa mga tao at pagtrato ng tama sa ating mga kapwa. Ang edukasyon din ay humuhubog sa ating pagkatao, kaya marami na lang ang sa tin a masuwerte na tayo ay nakakapag-aral. Ngunit ang katanungan, sapat ba ang edukasyon dito sa ating bansa.
Ang sistemang edukasyon ng Pilipinas ay gingagamit lamang bilang instrumento ng estado sa paghubog ng kamalayan at kakayahan ng mga kabataang Pilipino upang sila ay manilbihan para sa iilang naghaharing uri sa ating lipunan at palaganapin ang mga kaugalian at pamaraan ng pamumuhay ng mga uring ito. Ang namamayaning uri sa Pilipinas, ang komprador na burgesya at panginoong may-lupa ay pangunahing tinatangkilik ang interes ng kanilang padrono, ang imperyalistang Estados Unidos. Sa kontekstong ito natin mauunawan lamang ang kalikasan ng edukasyon na pinapairal ng gobyerno sa ating lipunan.
Marami ang kakulangan sa iba't-ibang aspeto ang ating gobyerno para suportahan ang edukasyon ng nakakarami.Pero ganunpaman dahil sa palagay ng imperyalismo EU sa kanyang direktang pagsusuperbisa sa sistemang eduskasyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng WB na ang mga paaralan ng estado ay mahigpit na hawak na niya, bale wala dito ang kapakanan ng mga estudyante at mga gurong Pilipino. Ganito din ang paninindigan ng estado ng Pilipinas hinggil sa katayuan ng mga mag-aaral at guro ng bayan. Ang interes lamang ng estado sa edukasyon sa Pilipinas ay gumawa ng mga kurikulum na palalaganapin ang tubo ng mga imperyalistang TNC at kanyang mga kakamping Pilipino. Kaya, bahala nang maghigpit ng sentoron ang mga guro at magsiksikan ang mga estudyante sa mga klasrom. Kalunos-lunos ang kalagayan ng mga estudyante at guro sa mga pambublikong paaralan. Batay mismo sa estadistika ng gobyerno, may kakulangan ng 49, 000 na klasrom at may 2,381, 943 na mga desks/armchairs sa ating mga paaralan. Ang ratio ng bilang ng libro sa mga estudyante ay 0.33 sa mga pampublikong paaralang pang-elementarya at 0.6 sa hayskul. Kaya ang kalidad ng edukasyon ay pababa ng pababa. Halimbawa, sa 1999 Third International Math and Science Study, ang Pilipinas ay pumuesto ng 36th sa kabuuang 38 na bansang sumali.
Nananatili din ang kababaan ng sahod ng mga 500,000 guro sa elementarya at sekundaryong paaralang pambuliko mula P4,000 hanggang P6,000 bawat buwan (sa karaniwan) na take-home pay pagkatapos ng mga deductions at bayad sa utang. (Datos ng Alliance of Concerned Teachers) Kaya di kataka-taka libo-libong guro ang nabibiktima ng mga utangang 5-6 at nagsasyadline bilang mga tindera ng mga kendi, siopao, at iba pa sa kanilang mga paaralan.
Ang edukasyon ay napakahalaga sa bawat isa sa atin kaya tayo ay magpasalamat na tayo ay nakakapag-aral, atin din pag yamanin ang ating mga isipan at katalinuhan. Huwag nating sayangin ang opurtunidad na tayo ay makakapag-aral.
source:http://www.bulatlat.com/news/4-6/4-6-edukasyon.html